Entries in category "bangag"

for interview na ako sa beda sa monday.

after nun bigay na sched for test.

after nun pwede na ako mag beach!!

kahit pahabol. hehe

woohoo!

tara! sino sasama???

Currently listening to: trip na trip-- aizo
Currently feeling: happy happy joy joy
Posted by nonalcoholic on May 5, 2006 at 10:37 PM in bangag | 1 ang mga umangal

naku! nababangag na ako dito sa bahay.

wala akong ginagawa.

buti na lang pumunta kami nung terno au go go7 nung saturady.

next time na ako post ng pics.

binabatugan ako magupload e.

ang init!

gusto ko pumunta sa beach.

pagtapos talaga ng mga inaayos kong papers.

walang makakapigil sa akin!

hahaha

ge.

 

'i just wanna be on the beach.. sunburn!' -sandwich

Currently listening to: ean and paul
Currently feeling: hot hot heat
Posted by nonalcoholic on April 25, 2006 at 11:48 PM in bangag | may sinasabi ka?

since nag start ang summer break naging malaki na akong sagabal sa bahay. tambay lang lagi  dito, kain tulog at nood ng tv. sa tinagal ng pag higa sa harap ng tv, madami dami na din akong napanood, natutunan.. saan?

SA BUHAY.

madami akong tanong sa mundo. malamang kayo din. madami akong hindi maintindihan. kung bakit nating ginagawa ang mga ginagawa natin? bakit ko sinusulat to ngayon? bakit? para saan? para kanino?

sa dami ng tanong ko sa mundo, malamang hindi lahat ay masasagot ng biglaan dahil lahat ng bagay ay may takdang oras. kailan? hindi ko alam.

sabi ng isang sikat tao, ang pagsusulat daw dapat ay galing sa puso. isulat mo lang ang nilalaman ng iyong puso, pagkatapos chaka mo gamitin ang iyong utak. ibuhos mo lang lahat ng gusto mong isulat chaka mo na lang ayusin pag nalabas mo na lahat.

hindi ko alam kung bakit ako nasipa sa eskwelahang pinakamamahal ko. alam kong nagpabaya ako pero ang tanong bakit? naisip ko hindi talaga para sa akin ang kursong aking kinuha. tadhana.. TADHANA na makakilala ako ng mabubuting tao na magtuturo sa akin ng tamang landas sa bagay na mas makabubuti sa akin. ngunit, may gumugulo pa din sa aking munting isiapan. ANO.. SAAN ANG TAMANG LANDAS NA DAPAT KONG PUNTAHAN??

madami na akong mga kalokohan at maling mga desisyon sa buhay ko. sabi nila ang mga ito daw ang magtuturo sa akin ng mga tama. ito ang magsisilbing gabay ko sa daang makabubuti sa akin. isa sa mga iyon ang magmahal ng taong alam kong hindi pwede, alam kong walang patutunguhan. pero mapipigilan mo ba ang iyong nararamdaman? sabi nila ok lang daw yun. pinilit ko ang sarili ko na pigilan. sinabi ko sa sarili ko na tigilan na. 2 taon ko ding tinago sa sarili ko yun. dahil nagising na ako sa katotohanan. nawala na. pero minsan naiisip ko pa din. na tunay nga ba talaga ang aking naramdaman?? ewan.

sa dinami dami ng katanungan natin sa mundo, sa ating pagkatao kelan kaya ito lahat masasagot?

sa ngayon, dahan dahanin natin ang lahat. may oras pa. pero, paano kung huli na pala ang lahat? paano na ang mga kasagutan natin? mabubulok at uuudin na lang ba lahat ito??

 

 

 

Posted by nonalcoholic on April 13, 2006 at 11:16 PM in bangag | 3 ang mga umangal

kagabi..


pumunta kaming tatlo ni rowi, ako at abe sa gig pero.. ang paalam ko socialization ng polsci forum na nung 27 pa natapos. hehe utouto naman si mama kaya pinayagan ako.


eto yung poster ng grand listers' party ng paramita sa 6u with Up dharma Down, dicta license and cherry cornflakes.


Image hosting by Photobucket

saya! may pic ulit kami ni ean. hee hee post ko dito pag nalipat ko na sa pc. at.. at last! napasign ko na ang UdD cd ko na waaaay over due na. binili ko yun nung nilaunch nila nung jan.28, 2006 sa cubao x. 2 months and 4days ang nakalipas.. tada! hehe at yun din ang huli naming gig kaya sobrang excited namin kagabi. early birds kami kaya libre entrance namin ni rowi. si abe kasi ambagal e. hehe

Currently listening to: jeff buckley
Currently feeling: happy happy joy joy
Posted by nonalcoholic on April 2, 2006 at 12:52 PM in bangag | may sinasabi ka?

naranasan niyo na bang matanga. yung tanga talaga?

ano mang rason niyo?

ako lagi. at kakagawa ko lang ng bago. mga 5mins ago.

alam niyo yung kumakanta ka habang nagtatype tapos nahalo halo mo na lang yung lyrics sa tinatype mo? at akala mo ok lang. wrong grammar at walang sense na pala ginagawa mo. shit!

 

badtrip! worse? hindi mo pwede burahin or iedit man lang!! rar!

 

Currently listening to: coheed and cambria
Currently feeling: tae!
Posted by nonalcoholic on April 1, 2006 at 12:05 AM in bangag | 3 ang mga umangal
« Newer · »